im lost... huhuhu
+stilettos and pumps+
Asenath's Art
canis lupus fidelis
Coach Ansay
Feelings ng Dyosa
Gwacie's angsties
Ice Queen
Mayotteru Hyde-chan
Modernity
Peyups
PulchritudinouS
sarungbanggi
Sucker Speaks
The Waking World
things change dot dot dot
Uy! 3-LEAF CLOVER!!!
watashi no koto
yowamushi files
today
April 2006
March 2006
February 2006
September 2005
March 2005
February 2005
January 2005
visited *loading* times
Ways of Movin on
Baket ba ang dami-sami kong kakilala lately na in the process of moving on? Ang dami naman masyadong naghihiwalay!! O iniwan ng mga iniirog nila. At yung iba naman, nadadagdag lang sa listahan ko ng mga kaibigang nagmo-move on kasi hindi naman talaga sila makaalis sa kalagayan nila. Yung tipong for the longest time eh nagpapakatanga at di maka-move on. Ano ba talaga ang kahulugan ng pag let go? May nareceive ako na text, sabi dun, “giving up something doesn’t mean you’re weak, instead, it makes you strong to let go of something important to you, coz love is not what makes you complete, it’s when you learn to be unselfish.” Hhmmm… So ibig bang sabihin, hindi nagmahal ng sapat ang mga taong hindi maka-move on? Selfish ba sila? Pero hindi ba minsan ang tao nagiging selfish nga dahil nagmamamahal sila? Haay, ewan ko! Ayoko na alamin ang sagot sa mga tanong na yan! Basta ako, move on na! Back to my topic, moving on… moving on… nag-iisip ako ng mga paraan to move on na pwede ko maishare sa ka-officemate ko na kaka-break lang sa kanyang boyfriend for some number of years.. Syempre masakit yun. Palagi sya naiiyak kahit pigil. At pag mag-isa, natutulala na lang minsan. Hindi ko talaga alam ano sasabihin ko eh di ko pa naman naranasan maipag-break eh! Kasabay ko sya pag lunch.. pati sa MRT! Wala na ako masabi kundi, “it’s for your own good.. la naman kwenta ang lalaking yun.. better na now nangyari yan kesa pag tumagal pa”.. Eto may naiisip akong mga paraan:
1. HATE HIM! Hehehe.. the fastest and usually the first step to forget a person is to hate him (sige na nga pati ‘her’ isama ko na). Pero pano mo i-hate ang taong naging mahal na mahal mo? Sige iisip pa ako ibang paraan… Depende na lang siguro kung ubod ng walang hiya ng taong yun diba! Na tipong pinagpalit ka sa iba habang kayo pa, binubugbog ka or iniwan ka ng buntis ka. Yun, Kasumpa-sumpa talaga! Pero nakakapagtaka, may mga kilala akong sa kabila ng lahat, di pa rin sila maka pag let go. Lakas ng hang ups! Umaasang magiging maayos pa rin sa huli. Do I pity them? No. Siguro better word to describe what I feel for them – Empathy. I’m past that stage na black and white tingin ko sa lahat ng bagay.
2. Write all the things you hate about the person. Isulat mo rin mga rason bakit wala siya kwenta at kung bakit dapat maghiwalay na kayo. And
3. Rant all you want. Rant to people who would understand you. Kung kakilala mo yung ex nya or someone linked sa kanya in the past, kaibiganin mo!! I’m sure marami kayo hate list sa taong gusto mong kalimutan!! Hahaha. Sharing kayo. (totoo ‘to!!! This works!!! May kilala ako ginagawa ito eh!)
4. Burn, bury, destroy mementos that will remind you of that person.. naku naku, mahirap ito! Saka SAYANG din kung itapon mo lahat..remembrance din yun.. hmm..Itago nalang mabuti. Sa lugar na di mo palagi makikita! Eh pano ka naman mag move on kung maya’t maya nakikita mo ang mga bagay na nagpapaalala sayo sa taong iyon. Sinasaktan mo ang sarili mo nyan. In due time, pag finally you’ve let go, then you can look at those souvenirs and just smile, w/o feeling hurt.
5. Syempre, It goes w/o saying na you shouldn’t go to places that will remind you of that person, don’t listen to your theme song. Unless ang iyong goal ay maghinagpis ng tuluyan, sige go!
6. Do something different, travel, learn a new hobby, learn a language, etc! Something for diversion.
7. Read self-help books kung talagang nadedepress ka pa at di makapag move on. Or visit a shrink! Malay mo eto pala talaga kailangan mo!
Wish ko lang makatulong nga ang mga ito sa frend ko. Sa susunod na mag-usap kami, sasabihin ko sa kanya ang mga ito. Siguro mababaw ang mga paraan, pero ano ba talaga ang paraan para makalimot? Panahon lang siguro ang susi. Pero hindi ibig sabihin nun ay pababayaan na lang natin ang panahon ang gumawa nun. Mindset din ang kailangan. May isang forwarded email na bagay na bagay sa mga dapat mag move on. Hahanapin ko sa inbox ko at ifoforward din sa officemate ko. Nagprint pa nito noon yung isa ko officemate at binigyan ang ilang mga tao sa opis. Isang kaibigan ko rin ang nagpost nito sa blog nya.. Siguro nangangailangan kasi sya mag-move on. Pero ewan ko kung nagawa nya. Malabo pa rin ata. (Isa lang masasabi ko sa kanya : GAMBARE!) Eto paborito kong linya dun:
Stop being who you were, and change into who you are.
