'am lost.. mayotteru...

im lost... huhuhu

About me

User: hyde_chan
Name: Hyde
perfectionist yet downright stupid. in control but lost.

  • Contact me
  • My profile
  • Linkme

  • Powered by Mo'time

what u think

 

Counter

visited *loading* times

 
Wednesday, 15 March 2006

Waging War with GOKIBURI!!

Hay Nako, ano ba meron sa ipis, bakit ako takot na takot!? Pag nakikita ko sila, kinikilabutan talaga ako. Nawawala ako sa sarili ko at nagtatatalon at nagtatatakbo palayo sa ipis!

Nakakainis!!! Kelan ba ako mananalo sa pesteng yan!?  Mula pa ng pagkabata ay takot na ako sa ipis. Nagsimula ito nung ako ay 3 o 4 na taong gulang, isang batang paslit na nanonood ng telebisyon isang gabi... Nang biglang.....

IPIS!!

Langya, dumapo sa balikat ko yung lumilipad na ipis!! Natakot ako ah! At simula noon, di na nawala ang takot ko sa lecheng ipis na yan!

3 taon ang nakakaraan, namatay ang lolo ko.. naglalamay kami.. makaraan ng ilang araw, pagod na pagod at antok na antok na laging madaling araw ng alas 4 natutulog, humiga na ako sa kama, katabi ang mommy ko. Nagpapasalamat sa sarili na sa wakas, makakatulog na ako. Unti-unting nakukuha ko na ang tulog ko, may nakakakiliting bagay na dumikit sa braso ko. SYEMPRE MEGA DILAT AKO BIGLA!! Voila! Isang IPIS! Ginising ko ang natutulog ko nang nanay para patayin ang ipis! Na di rin napatay sa sobrang antok. hahaha!! Di na ako makatulog! May araw na at alas sais na nang muling dinalaw ako ng antok. 

Isang gabi 2 taon ang nakalipas, 2 am, matutulog na ako.. may lumipad na IPIS! Syempre mega labas ako sa kwarto! Ginising ang kapatid ko na galit na galit sa akin sa ginawa ko at pinapatay ko sa kanya ang ipis!

GGRRR!!! Baket ba di ko kaya patayin ang ipis gamit ang tsinelas!! Baygon lang ang kaya ko gamitin!!

KAGABI! 3 am ng madaling araw.. Himbing na himbing ang tulog ko.. wala nga ako matandaang panaginip eh.. at biglang!!

PARANG may gumapang na IPIS sa kamay ko!! huhuhuhuhu... Nagising ako bigla. Di ko nakita kasi madilim ang kwarto. Punta ako sa ilaw at binuksan ito upang hanapin ang ipis. di ko makita!! Inisip ko, siguro nananaginip ako na may naramdaman akong ipis... pero nawala na yung antok ko... at muli, ako ang ginulat at iniskandalo!! habang nakaupo sa kama, binubuklat ang kumot ko, biglang tumakbo ang IPIS sa hita ko! Buti na lang naka-pajama ako!! Nagtatatalon ako at nagtititili ng pigil kasi naman tulog na lahat ng tao! Nalaglag yung ipis sa sahig at tumakbo palayo sa akin. Nanginginig ako sa takot! Hindi ko talaga kaya ang ipis! Mamamatay ako sa nerbyos sa ipis! Muli, natalo ako :(  Napalayas na naman ako sa sarili kong kwarto! Umalis ako ng kwarto at lumipat ng higaan. Naghugas ng kamay at nag-alkohol. At natulog ng BUKAS ang ilaw!

MGA LECHENG IPIS KAYO!!! MAY ARAW DIN KAYO SA AKIN!!!

I may lose the battle, but I won't lose the war!!!

BAYGON lang katapat nyo!

posted by: hyde_chan at 01:00 | link | comments |

Comments: