'am lost.. mayotteru...

im lost... huhuhu

About me

User: hyde_chan
Name: Hyde
perfectionist yet downright stupid. in control but lost.

  • Contact me
  • My profile
  • Linkme

  • Powered by Mo'time

what u think

 

Counter

visited *loading* times

 
Monday, 17 January 2005

 Monday Mornin' Woes!

I'm sure LAHAT ng nagttrabaho at nag-aaral ay ayaw ng monday! I hate monday lalo na ang monday morning..parang gusto
ko balikan ang higaan ko.

At kanina umaga, lalo ko hate ang monday morning! Kasi ubod ng sakit ng katawan ko. i woke up
earlier than usual, 7am (usually 8 na) then i realized I coudn't move a muscle!!nagising nga ako
kasi masakit eh.  I'm suffering
from DOMS a.k.a Delayed Onset Muscle Soreness... KaTAngaHaN naman kasi! Anupa't nag-PE ako ng stretching
(oy, wag kayong tumawa! No choice po ako nun saka kasama ko sina armi) kung di ko alam ang mangyayari sa akin kapag
gumawa ng strenuous activity at di manlang ako nag-stretching!

Syempre to achieve my ultimate goal now to have an OVERALL Wellness*, ako po ay nag-exercise kahapon! ako ay nag-tennis sa UP ng 2 hrs. Yung malapit sa Engg. And, knowing me na walang exercise at walang sports (hmm..meron naman pala, table tennis minsan.. volleyball noon..crunches every morning and evening, mga tig 15 lang. haha..la silbi.. unless window shopping can be considered an exercise! magaling ako dyan!) syempre sasakit talaga ngyon ng katawan ko. To think na 1st time ko lang nagTennis! Lahat nga ng posibleng direksyon, nararating ng bola ko eh.
Dapat talaga nag-stretching ako before I started.. huli na ang lahat when i realized na
magkaka-DOMS ako! so nagstretching ako after ng laro.. then kagabi, had a nice back massage with
aroma therapy oil, lavender/vanilla scent ata,  courtesy of non other than, janjararaannnn.... my mom syempre! sino pa ba!
Pero, bottom line - pakiramdam ko pa rin ay isang malaking pasa ang buong likod ko.. di lang ata likod. buong katawan , mainly back, shoulder caps, butt and thighs..

So kanina, i was contemplating hard kung papasok ba ako sa office or magwork fr home.. pero nakakahiya.. la ako dahilan sa boss ko to WFH, at umpisa pa lang ng taon!.. kaya eto, nagpakamartyr ako.
Una, nagstretch ng onti pagkagising to minimize the pain.. at nung mej nakakalakad na ako, naligo na ako.Kaso nalate pa rin ako! kasi naman ang MRT napaka-daming tao!! Tagal pa dumating ng tren! tapos yung unang tren, nagskip pa! syempre inis to the max na ang mga tao na ang tagal naghihintay.
Ang sakit na nga ng katawan ko, ang bigat pa ng bag ko. tapos matutulak ka pa ng mga pesteng commuters!
oh well, para di masira ang day ko, pinapanood ko nalang ang mga tao...
may nag-aaway sa MRT na dalawa lalaki. Nagumpisa lang sa sabi ng isa - 'pare wag ka manulak..
ayun, mej nagsagutan na sila.. haha! kakatuwa! tapos ang ginaw ginaw sa tapat ng upuan ko.. tapat ng aircon. ako nga na naka-jacket giniginaw.. iniimagine ko yung katabi ko, how she felt eh naka tshirt lang sya.. So, i looked for evidences na giniginaw sya.. at syempre, ginaw na ginaw sya! yung balat nya parang balat na ng manok! haha.. ang bad ko..

Pero syempre, di pa rin nababawasan sakit ng katawan ko.. at habang nakaupo ako sa harap ng comp now, lalo sya sumasakit.. So, ang aral sa akin, magstretching araw-araw!Lalo na pagmaglaro. ARAY!


*Overall wellness - ie.right amount of exercise, proper diet, MINIMAL stress sa work or atleast think that way kahit super stress,
having time for myself(mentally, spiritually), seeing frends - old and new, reading a book a month, watching new movies
[yes! part yan ang overall wellness plan ko!]

posted by: hyde_chan at 14:12 | link | comments |

Comments: